(Eagle News) — Ikinasiya ng Malacañang ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipino na nakararanas ng pagkagutom sa unang quarter ng taong kasalukuyan.
Batay sa Social Weather Station Survey na isinagawa nitong March 25 hanggang 28, nasa 11.9 percent na lamang ang nakararanas ng pagkagutom, mas mababa ito ng 2 percent kumpara sa 13.9 percent na naitala sa unang quarter noong 2016.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sumasalamin lamang ang naturang survey sa programang inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang kahirapan sa bansa.
Inihalimbawa ni Abella ang Conditional Cash Transfer Program, mas mataas na pension sa mga senior citizen, libreng gamot, karagdagang combat pay sa mga pulis at sundalo at iba pa.
Ayon kay Abella, malinaw na long term goal ang target ng Pangulo at makakamit lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng epektibong serbisyo publiko, pagtaas ng government spending sa sektor ng imprastraktura at pagtataguyod ng Micro Financing System sa bansa.
https://youtu.be/Xw7tRVG3_Dc