Pagbabantay kontra illegal logging, mas pinaigting

QUIRINO PROVINCE (Eagle News) – Naglagay ang Provincial Natural Resources and Environment ng mga mobile checkpoint sa lalawigan ng Quirino. Isa sa nilagyan nito ay ang Brgy. Burgos, Cabarroguis, Quirino. Ito ay bilang suporta sa itinatag na Provincial Anti-Illegal Task Force.
Layunin ng ahensiya na mahuli ang mga nagbibiyahe ng mga ipinagbabawal na produktong pangkagubatan na walang kaukulang permiso tulad ng mga troso, lumber maging ang mga inuling na punong kahoy at iba pang kaugnay nito.
Ang aktibidad at programang ito ay isinagawa sa masusing pakikipag-ugnay sa DENR, AFP at PNP bilang pagtalima sa kautusang ng Gobernador ng Quirino na si Junie E. Cua sa kanyang Special Order No:05-Series of 2016 na kanyang nilagdaan noong Octobre 25, 2016.

Rustie Lorenzo – EBC Correspondent, Quirino

Related Post

This website uses cookies.