Pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, ipinatupad sa Umingan, Pangasinan

UMINGAN, Pangasinan (Eagle News)“Anti-smoking campaign in public places.”
Ito ang Municipal Ordinance No. 24  of 2008 sa Umingan, Pangasinan.
Ipinatupad na ito ng nasabing bayan simula pa noong Hunyo 2016. Para maipaalam sa mga mamamayan ay nagsagawa sila ng parade, tree planting, poster at slogan making.
Sa simula ay umani ito ng sari-saring negatibong reaksiyon mula sa mamamayan ng Umingan. Ngunit sa tulong at pagbibigay impormasyon ng RHU ng masamang epekto at dulot ng paninigarilyo kalaunan ay naging matulungin na ang bawat barangay.
Ayon kay Gng. Maria Jennifer Cruz, chairwoman ng anti-smoking campaign, nakita nila ang health risk na kaakibat ng paninigarilyo na sa murang edad ng kabataan ay nakikita na nilang naninigarilyo.
Dagdag pa niya, ang paninigarilyo ang isa dahilan ng pagkakasakit ng mamamayan ng Umingan base sa mga datos na ibingay ng RHU Umingan. Para maiwasan ito ay isinusulong at ipinatutupad na ang anti smoking sa pampublikong lugar.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, Pangasinan
Related Post

This website uses cookies.