Pagbabawal sa paggamit ng cellphones habang tumatawid, ipapatupad na sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Ipapatupad na ngayon sa buong Puerto Princesa City ang isang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng cellphone sa lahat ng mga pedestrian na tumatawid ng kalsada.

Ang City Ordinance No. 833 o “Anti-Distracted Crossing Ordinance” na iniakda ni City Councilor Henry Gadiano ay naglalayong madisiplina ang lahat ng mga pedestrian sa lungsod ukol sa tamang lugar at oras ng paggamit ng mga electronic communications equipment, tulad ng cellphone, wireless telephone, pager at iba pang mga kauri nito.

Layunin ng pagpapatupad ng nasabing ordinansa ang maiwasan ang anumang uri ng aksidente sa kalsada dahil sa kawalan ng sapat na atensyon ng mga pedestrian sa pagtawid sa lansangan.

Ang sinumang mahuhuli na gumagamit ng cellphone habang tumatawid ay magmumulta ng:

  • 1st offense – P-500 o 2 days community service
  • 2nd offense  – P-750 o 3 days community service
  • 3rd offense – P-1000 o 4 days community service

 

Anne Ramos – Eagle News Correspondent

Related Post

This website uses cookies.