(Eagle News) — Hindi makaka-apekto sa kita ng mga mangingisda at stake holders sa Taal Lake ang dalawang buwang pagbabawal sa paghuli ng tawilis.
Ito ang sinabi ni Department of Environments and Natural Resources-Batangas Officer Jose Elmer Bascos, dahil marami pa namang isda ang makukuha sa Taal Lake gaya ng karpa, tilapia at bangus.
Ang lawa ng Taal ang siyang ikatlo sa pinakamalaking lawa sa bansa kasunod ang Laguna Bay at Lanao Lake sa Mindanao.
Simula sa unang araw ng marso hanggang sa katapusan ng Abril, bawal na ang panghuhuli ng tawilis para mabigyan ng pagkakataon ang mga isdang ito na magparami.
Pero kung para sa personal consumption ay pinapayagan naman ang mga mangingisda na manghuli ng tawilis.