Pagbabawal sa provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hour, magsisimula na sa August 1

(Eagle News) — Sa darating na Agosto 1, ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong traffic scheme policy nito kung saan ipagbabawal na ang mga provincial bus sa EDSA simula Cubao hanggang Pasay tuwing rush hour.

Ito ay upang maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at bigyang-daan ang mga ongoing construction.

Kaya bawal na tumawid ng EDSA ang mga provincial bus sa mga oras na 7 a.m.-10 a.m. at 6 p.m.-9 p.m.

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa mga iba’t-ibang organisasyon ng mga provincial bus para sa implementasyon ng bagong polisiya.