Pagbagsak ng produksyon ng metallic mineral sa PHL, ibinabala

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinabala ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP) na posibleng bumagsak ng hanggang limampung porsyento (50%) ang halaga ng produksyon ng metallic mineral ngayong taon.

Ayon kay Ronald Recidoro, Vice President for Legal and Policy ng COMP, ito’y bunsod ng pagsasara at pagkaka-suspinde ng operasyon ng tinatayang dalawampu’t walong (28) mining companies sa bansa.

Giit ni Recidoro, itinuturing ang nickel bilang “best performer” kaya’t maaaring maapektuhan ang metallic minerals sector sa pagsasara ng ilang malalaking nickel mines.

Batay sa datos ng COMP, ang 51 % na production value ng nickel ay mula sa dalawampu’t walong (28) mining companies.

Binigyang diin pa ni Recidoro na hindi lamang ang metallic production ang tatamaan nito kundi maging ang exports, foreign currency earnings at employment.

Eagle News Service

https://youtu.be/uCPm6nn0gIU