Pagbibigay proteksyon sa livestock industry, isinusulong sa Senado

(Eagle News) – Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa livestock industry sa bansa.

Ito ay para mapigilan at hindi na maulit ang avian flu virus na naka-apekto na sa mahigit 200,000 manok sa Pampanga.

Nitong Biyernes ay inanunsyo ni Agriculture Secretary Manny Pinol na dalawa pang lugar sa Nueva Ecija ang may bird flu outbreak.

Sinabi ni Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, na 33% ng produkto mula sa agriculture ay galing sa livestock tulad ng manok, itlog at dairy products.

Nangangamba ang senador na maapektuhan ang suplay ng pagkain lalo na sa Metro Manila kapag hindi napigilan ang pagkalat ng virus at hindi na-protektahan ang industriya.

“Katulad ng cocolisap kailangang pag-aralan para alam ng mga tao kung ano ang gagawin nila pag nagkakaganun para hindi sila parang headless chicken na hindi nila alam. Siguro yun ang subject ng hearing how to prevent form happening in the future… Tingin ko hindi masyadong nabibigyan ng importansya ang livestock dairy and poultry considering that 33% ng lahat ng produce agriculture comes from livestock, poultry ang diary,” ayon kay Villar.

Pinatitiyak naman ni Villar sa Department of Agriculture na mabibigyan ng tulong pinansyal ang mga nasa livestock industry na naapektuhan ng influenza virus.

Kasabay nito, inilunsad ni Villar ang gulayan sa  Maynila para tulungan ang may 10,000 residente na makatugon sa food sufficiency ng bansa.

Target aniya ng agriculture na gawin ang kaparehong programa sa mga residenteng nasa paligid ng Pasig River at Laguna de Bay.

“Gusto naming lahat ng lugar dito sa Baseco by area ay may sariling gulayan. Mayroon kaming aquaculture, may gulay isda plus merong CCT benificairy sila mayron silang 21 kilos of rice from DSWD, eh di kumpleto na menu. Hindi na tayo mamomorblema sa pagkain kasi we produce our own food,” pahayag ng senadora.

 

Meanne Corvera – Eagle News Service