(Eagle News) — Asahan na ang pagbili ng Pilipinas ng mga military equipment mula Russia, bunsod ito ng gumagandang trade relations ng dalawang bansa.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kinikilala ang Russia bilang mahusay na supplier ng mga military equipment at nagpahayag na rin ang Russian Government ng suporta sa layunin ng Pilipinas.
Magugunitang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia noong Mayo subalit naudlot dahil sa sumiklab na kaguluhan sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Una na ring inihayag ng Pangulo na ipupursige ng kanyang administrasyon ang Independent Foreign Policy na tutuon sa mas malalim na relasyon sa China at Russia.