Pagbisita ng Miss Universe sa bansa, makakatulong sa turismo ng Pilipinas ayon sa DOT

MANILA, Philippines (Eagle News) — Malaki ang naitulong ng pagdaraos ng ika-65 Miss Universe Coronation Night noong 2016 sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Department of Tourism (DOT) Wanda Teo.

Kaya naman sa pagbisita sa bansa ng mga kandidata, maging si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, ay inaasahan ng kagawaran ang paglago muli ng turismo ng Pilipinas.

Sinabi ni Teo na nangako na ang mga kandidata ng naturang beauty pageant na magpo-post sila ng mga litrato sa kanilang mga social media handles tungkol sa kanilang pagbisita sa Batanes, Bohol, at Camiguin.

Kasama rin sa ipinangako ng mga kandidata ang pagsusulat sa kanilang mga social media account tungkol sa kagandahan ng Pilipinas, para sa kanilang pagbalik sa kanilang home countries ay maipagmamalaki nila sa mga kababayan ang Pilipinas at magsisilbing tourism ambassadors.

Ayon naman kay DOT USec. Kat de Castro, makakatulong rin ang pagbisita ng mga kandidata ng Miss Universe sa pagpapaganda ng larawan ng Mindanao sa mga banyaga.

Related Post

This website uses cookies.