(Eagle News) — Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapagamot ang layunin ng kanyang biyahe sa bansang Israel at Jordan.
Sinabi ng Pangulo na may kinalaman sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) ang sa Israel at Jordan ang kanyang pagbisita sa Israel at Jordan na magsisimula sa September 2 hanggang September 5.
Environment Sec. Cimatu, may gagawing misyon sa Israel at Jordan
Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ng dagdag na trabaho si Environment Secretary Roy Cimatu para paghandaan ang anomang hindi inaasahang pangyayari sa Israel at Jordan.
Si Cimatu ay itinalaga noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang special envoy to the Middle East crisis.
Batay sa record mayroong 28,000 ang OFWs sa Israel at 48,000 naman ang OFWs sa Jordan.
https://youtu.be/gBRy0VVrb8I