Pagbubuntis ni Mayor Sara Duterte, inspirasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte

Davao City mayor Sara Duterte. (Photo courtesy Presidential Communications facebook)

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Ipinaliwang ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya makadadalo sa halos lahat ng aktibidad ng Kadayawan. Ang dahilan umano nito ay  siya’y pitong linggong buntis na at ito ay triplets pa.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, bagama’t nahihirapan siya sa kaniyang pagbubuntis, hindi umano siya mag-le-leave bilang City Mayor ng Davao at patuloy na aasikasuhin ang kaniyang mga obligasyon sa lungsod hangga’t pinapayagan umano siya ng kaniyang mga doctor.

Samantala, naging inspirasyon naman ng Pangulong Duterte ang pagbubuntis ng kaniyang anak ngayon. Ayon kay Pangulo Duterte, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit dinodoble pa niya ang kaniyang kampanya laban sa iligal na droga at korupsyon upang malinis na ang bansa alang-alang sa bagong henerasyon.

Inaasahan naman ng Pangulong Duterte na magiging maayos ang pagbubuntis ng kanyang anak lalo pa at triplets ito.

Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent

Related Post

This website uses cookies.