Pagdaan at pagpasok ng mga barko sa Tubbataha Reef ipinagbabawal ng PCG

(Eagle News) — Pinagbabawalan na ng Philippine Coast Guard ang pagdaan at pagpasok ng mga barko sa Tubbataha Reef na isang deklaradong Marine Natural Park sa Sulu Sea.

Ito ay makaraang aprubahan ng International Maritime Organization Sub-Committee on Navigation Communications and Search and Rescue sa panukala ng Pilipinas na ipagbawal na ang mga barko sa naturang lugar.

Dahil dito sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo na tiyak na ma-po-protektahan na ang marine environment sa tubbataha.

Gagabayan naman aniya ng mga kapitan ang mga barko upang mapigilan ang kanilang pagpasok  sa naturang karagatan at maiwasan ang mga posibleng insidente ng pagsadsad ng mga vessel sa bahura.

Ang Tubbataha Reef ay deklarado ring UNESCO World Heritage Site.