(Eagle News) –Malaking tulong daw sa operasyon ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ito ay ayon sa Armed Forces of the Philippines, na kasalukuyang nakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Maute terrorist group sa Marawi.
Ayon sa militar, makakatulong ang pagdeklara ng martial law sa Mindanao sa pagpigil na makatakas sa ibang lugar ang mga bandido.
Samantala, kinumpira ng mga awtoridad ang impormasyon na may mga pinugutan at may hawak na mga hostage ang mga terorista.
Pakiusap nila sa publiko na huwag nang ikalat ang mga larawan at video ng teroristang grupo sa social media at ang mga ito ay bahagi umano ng propaganda ng mga terorista.