Pagdinig sa impeachment complaint vs Pres. Duterte, sisimulan na sa susunod na linggo

(Eagle News) — Magsisimula na sa susunod na linggo ang mga pagdinig hinggil sa impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na nailahad na umano ni Speaker Pantaleon Alvarez sa justice committee ang impeachment complaint at pinatutukoy kung sufficient ito in form at substance.

Sa oras daw na hindi makitaan ng grounds para sa impeachment ang naturang reklamo ay tiyak na mababasura ito.

Tiniyak naman ni Fariñas na daraan sa tamang proseso ang mga gagawing pagdinig.

Pinagbatayan sa impeachment complaint laban kay Duterte ang diumanong culpable violation of the constitution, betrayal of public trust at other high crimes.

Related Post

This website uses cookies.