Pagdinig sa panukalang mabigyan ng “Emergency Power” si Pangulong Duterte, aarangkada na ngayong araw

MANILA, Philippines (Eagle News) – Aarangkada ngayong Miyerkules, August 10 ang pagdinig ng Senado sa panukalang mabigyan ng Emergency Power si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang matinding problema sa traffic. Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, papaspasan nila ang pagdinig pero titiyakin na magiging maingat sa ipapasok na probisyon.

Ibibigay aniya nila ang hinihinging kapangyarihan ng Pangulo pero maglalagay sila ng matinding safeguards gaya ng monitoring sa bidding process.
Hindi aniya papayag ang Senado na maulit pa ang mga anomalya sa mga kontrata na pinapasok ng gobyerno kabilang na ang NBN ZTE deal at ang pagkuha ng napakaraming Independent Power Producer nang magkaroon ng krisis sa kuryente.
Pinadalhan na nila ng imbitasyon para humarap sa pagdinig bukas ang mga opisyal ng MMDA, DOTC, at grupo ng mga commuters.
Courtesy: Jet Hilario
Related Post

This website uses cookies.