REAL, Quezon (Eagle News) — Bilang paggunita sa ika-pitong taon na matagumpay na Pamamahala sa Iglesia Ni Cristo ni Bro. Eduardo V. Manalo, masayang nagsagawa ng “Fun Run” activity ang mga kaanib nito mula sa distrito ng Quezon North. Pinagunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng nasabing distrito.
Mahigit tatlong kilometro ang tinakbo ng lahat ng nakipagkaisa mula sa starting line nito hanggang sa finish line. Pagkatapos ng fun run ay nagsagawa rin sila ng stretching at physical fitness. Layunin nito na matulungan ang mga kaanib na matutong mapahalagahan ang ating kalusugan.
Kabilang pa sa patuloy na paggunita sa anibersaryo ay pitong sunod-sunod pang mga aktibidad ang patuloy na gagawin sa Distrito ng Quezon North.
Courtesy: Loden Villafuerte, Nice Gurango – Real, Quezon Correspondent