Paggunita sa National Heritage Month, isinagawa sa Ormoc City

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinagawa noong Miyerkules, May 3 ang opening ceremony para sa isang buwang pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo. Sa taong ito napili ang Ormoc City na pagdausan ng nasabing aktibidad. Ito ay may temang “Malasakit para sa Pamana.”

Layunin ng lahat ng aktibidad na maipakilala sa mga bagong henerasyon ang kulturang Pilipino lalo na ang kakaibang kultura ng mga Ormocanon. Ang isa sa mga aktibidad na isinagawa sa pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang ay ang pagpapalaro sa mga kabataang Ormocanon ng ilan sa mga larong Pilipino o Laro ng Lahi. Mismong si Ormoc City Mayor Richard I. Gomez ang nagpakita ng sample ukol sa larong luksong baka.

Dumalo din sa nasabing aktibidad sina Cong. Lucy T. Gomez, Board Members Matt Torres at Indoy Areval bilang kinatawan ni Gov. Mic Petillo. Kasama din sa aktibidad ang mga opisyales mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte

 

Related Post

This website uses cookies.