Paghahanap sa 44 pang nawawala dahil sa baha na dulot ng bagyong “Vinta,” mas pinaigting

Ni Ferdinand Libor
Eagle News Service

(Eagle News) — Lalo pang pinaigting ng police units ng Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay ang kanilang isinagawang search and rescue operation sa apatnapu’t-apat (44) na indibidwal na nawawala pa rin matapos mawashed-out dahil sa baha na idinulot ng bagyong Vinta sa siyam na munisipyo ng Zamboanga Del Norte at 2 munisipyo ng Zamboanga Sibugay.

Base sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Council Region 9, nitong December 27, nasa pitumpu’t anim (76) na indibidwal na ang idineklarang patay habang anim na put limang (65 )ang nasugatan at apat na put apat (44) naman ang nawawala dahil sa mga pagbaha at landslide sa mga nabanggit na probinsya.

Ang bayan ng Sibuco sa Zamboanga del Norte ang pinakamaraming naitalang casualties na mayroong labin apat (14) patay, limampu’t walong (58) sugatan at dalawampu’t limang (25) nawawala.

Umabot umano sa isang daan at tatlumpu’t siyam (139) na barangays, habang labin limang libong (15, 520) pamilya at 75,893 indibidwal ang apektado ng bagyong “Vinta”.

Ang probinsya ng Zamboanga Del Norte ang pinakamaraming naitalang munisipyo na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Patuloy umano ang pamimigay ng mga relief goods sa mga apektadong pamilya na karamiha’y nasa evacuaton center ng kani-kanilang barangay sa nabanggit na dalawang probinsya.

https://youtu.be/HlzCGmFlTMc