MANILA, Philippines (Eagle News) — Kasunod ng nangyaring 6.7 magnitude na lindol na tumama sa Surigao Del Norte, muling ipinanawagan ngayon ang pagsasagawa ng earth quake drill.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, dapat alalahanin ng publiko na kung naging mapaminsala ang magnitude 6.7 sa Surigao Del Norte, mas matindi pa ang magiging epekto ng ganito kalakas na lindol kung mangyayari ito sa isang highly urbanized area tulad ng Metro Manila.
Kaya naman ngayon palang dapat gawin na ang mga kaukulang paghahanda para maibsan ang epekto ng lindol halimbawa sa mga paliparan,pantalan at mga gusali sa Metro Manila sakaling tumama ang malakas na lindol o ang The Big One.