QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang taunang paghahanda sa posibleng pagbaha sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Nilinis nila ang mga baradong kanal, creek at estero na isa sa mga dahilan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Ayon sa MMDA, ilan sa mga flood-prone area sa bahagi ng Quezon City ay ang Brgy. Doña Imelda, Brgy. Damayang Lagi, Brgy. Tatalon, at Brgy. Talayan. Nilinis rin nila ang Sta. Lucia Creek at Villa Creek. Ang paghahanda ay sinimulan nila nitong unang araw ng Marso at tinatayang matatapos hanggang Hulyo 26 bago sumapit ang panahon ng tag-ulan sa bansa.
Angela Longalong – EBC Correspondent, Quezon City