Paghahanda sa SK at Barangay elections, itinigil na ng COMELEC

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sinuspinde na ng Commission on Election (Comelec) ang lahat ng kanilang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections  na nakatakda sana sa Oktubre.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na malinaw nang hindi matutuloy ang Barangay at SK elections dahil lusot na sa House Committee on Suffrage ang panukalang postponement.

Ayon kay Bautista,  gusto rin ng senado na ipagpaliban ang barangay at SK elections batay sa kanyang pagdalo sa hearing ng Senate Committee on Local Government.

Samantala, sinabi ni Bautista na ilalagay sa mga warehouse ang mga naimprentang balota na gagamitin sana sa  halalan.

Nabatid na nakapag imprenta na ang Comelec ng 400  libong balota mula sa 85 milyong balota na kailangan sana sa barangay at SK elections.

Maaari pa aniya itong gamitin sa susunod na eleksiyon.

Related Post

This website uses cookies.