(Eagle News) — Huhulihin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kolorum na Transport Network Vehicle Service (TNVS) na walang awtorisasyon mula sa ahensya simula September 1.
Ayon sa ahensya, sapat na ang ibinigay nilang panahon upang ayusin ng mga operator ang mga dokumento na dapat makumpleto bago ang August 31 para makakuha ng provisional authority.
Samantala, simula bukas, August 24, magsisimula na ang online registration para sa mga bagong Certificate of Public Convenience (CPC) ng mga TNVS.
Dagdag pa ng LTFRB, hindi sila tatanggap ng aplikasyon para sa prangkisa sakaling hindi nakapagparehistro online ang TNVS units.