MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government o DILG na iniimbestigahan na nito ang pagkakadawit sa illegal drugs ni retired General at Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot.
Si Loot ay isa sa limang aktibo at retiradong heneral na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy protektor ng illegal drug trade.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueño, nakipagpulong na sila sa National Police Commission (NAPOLCOM) para tingnan ang mga ebidensya laban kay loot.
Tiniyak ng DILG na magiging patas ang kanilang imbestigasyon at ibabatay sa mga makakalap nilang ebidensya.