Pagkamatay ng OFWs sa Kuwait, iniimbestigahan na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Iniimbestigahan ng Labor Attaché sa Kuwait ang pagkamatay ng mga OFW sa Kuwait.

Ito ay batay sa atas na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naging bunsod ng deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, binigyan niya ng isang linggo hanggang 15 araw ang Labor Attaché doon para magsagawa ng imbestigasyon.

Nito lamang Miyerkules, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin ang lahat ng manggagawang Pilipino sa Kuwait kapag may-isa pang OFW ang maiulat na nasawi, nagahasa o nagpakamatay sa bansa.
Tuloy naman ang pag-uusap ng kinatawan ng Kuwait sa Pilipinas at DOLE.

Sa kanilang pag-uusap ng Ambassador ng Kuwait sa Pilipinas, nakiusap umano ito kung maaaring i-lift muna ang suspensiyon.

Binanggit din ni Bello ang nakabinbing kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa karagdagang proteksiyon para sa mga OFW sa Kuwait.

Samantala, sinisilip na rin ng DOLE ngayon ang mga ahensiyang nagpa- alis sa mga OFW na naging biktima ng pang- aabuso ng kanilang mga amo.

Sabi ni Bello, hindi na bibigyan pa ng tyansang makapag-padala ng OFW sa Kuwait ang mga ahensiyang may mga manggagawang nakaranas ng pangaabuso o kalupitan mula sa kanilang mga amo.

Related Post

This website uses cookies.