Pagkonsumo ng pinaghalong mais at bigas, isinusulong ng DA

(Eagle News) — Plano ng Department of Agriculture (DA) na magtinda ng corn rice sa mga National Food Authority (NFA) outlet ngayong taon.

Kaya naman hinihimok ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga magsasaka na magtanim nito at tangkilikin ng publiko.

Isinusulong ngayon ng DA ang pagkonsumo ng pinaghalong mais at bigas dahil mas healthy umano ito kainin.

Ayon sa mga experto isang low glycemic index food ang corn rice.

Magandang alternatibo rin umano ang corn rice para sa mga nais magpapayat.

Related Post

This website uses cookies.