(Eagle News) — Nagkaroon ng komosyon sa bayan ng Malvar matapos ilabas sa presinto ng chairman ng Board of Election Inspectors ang mga blangkong balota.
Namagitan ang komosyon diumano sa pagitan ng Board of Election Inspectors at poll watcher ng isang kandidato sa Brgy. Pioquinto.
Kaagad din naman nilapitan ng mga pulis ang mga nagtatalo.
Katuwiran ng chairman ng BEI, may itatanong lamang sya hinggil sa mga balota sa kabilang polling precinct kaya niya ito dinala.
Pinuna umano ng watcher ang BEI chairman dahil hindi umano sila inabisuhan nito.
Sa huli ay kaagad din namang naayos ang nasabing komosyon.
Samantala kapansin-pansin naman ang mga leaflets at mga tarheta ng mga kandidato na nagkalat sa labas at loob ng mga polling precinct na mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections.
Sa kabuuan ay wala pang naitatalang election-related incident ang Comelec-Batangas maliban na lamang sa mga alegasyon ng vote-buying sa iba’t-ibang bayan. Ghadzs Rodelas