(Eagle News) – Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng curfew sa anim na lalawigan sa Mindanao.
Kabilang sa mga lugar na nais ng pangulo na magkaroon ng curfew ay ang sumusunod:
- Lanao del Sur
- Lanao del Norte
- Maguindanao
- Sultan Kudarat
- North Cotabato
- Zamboanga
Sakaling maipatupad ang curfew, babantayan ang galaw ng mamamayan lalo na sa gabi upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng krimen.
Karaniwang saklaw ng curfew ay mga kabataan at menor de edad na pakalat-kalat sa kalye kahit disoras na ng gabi.
Ang curfew ay naglalayong maprotektahan ang mga sibilyan kasunod ng idineklarang martial law.