(Eagle News) – Pinamamadali na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglikha ng isang executive order para sa support program ng public utility vehicle modernization program.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kailangan ang bagong E.O. upang pondohan ang support program ng kagawaran para sa local body makers ng mga modernong PUV.
Bukod pa ito sa plano ng DTI na ire-allocate ang nasa P9 billion para sa third player sa ilalim ng P-27 billion comprehensive automotive resurgence strategy program.
Maaari naman aniyang isunod na lamang ang support program para sa mga local assembler sa PUV modernization program habang ang replacement ng mga lumang PUV ay maaari ng magsimula lalo’t target ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang naturang programa sa Enero.