(Eagle News) — Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paglilipat ng Senado sa Bonifacio Global City sa Taguig sa taong 2020.
“Anywhere the Senate wants to build it, we will say Amen,” ayon sa Pangulo.
Ayon sa Pangulo, alam umano niyang nagrerenta lamang ang Senate sa gusali ng Government Service Insurance System at maging ang pag-gamit ng parking lot sa Social Security System sa Pasay City simula pa noong 1996.
“They are occupying a place that is not theirs. I think it is owned by the GSIS (Government Service Insurance System),” pahayag ng Pangulo.
Magtatagal ang konstruksyon ng bagong Senate building simula January 2019 hanggang December 2020.
Sakaling walang maging aberya, sa nasabing bagong gusali na bubuksan ng Senado ang kanilang third regular session ng 18th Congress sa taong 2021.