Paglilitis kay ex-CJ Corona, pinagtibay ng Sandiganbayan

Pinagtibay na ng Sandiganbayan Third Division ang nauna nang desisyon na isalang sa paglilitis si dating Chief Justice Renato Corona dahil sa kasong perjury at misdeclaration ng kanyang mga ari- arian.

Sa dalawampu’t walong pahinang resolusyon, ibinasura ng Anti-graft Court ang inihaing motion for reconsideration ng punong mahistrado na baligtarin ang desisyon para isalang ito sa paglilitis.

Ayon sa korte, hindi nakitaan ng probable cause ang inihaing mosyon ni Corona.

Nakatakda ang paglilitis kay Corona sa Enero 26 sa ganap na ala una y media ng hapon (1:30pm).

This website uses cookies.