Paglingap at pag-aalok ng legal assistance isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa BJPM Pangasinan

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ng paglingap at pag-aalok ng legal assistance ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology sa Tayug, Pangasinan. Pinangunahan ito ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Minister ng Pangasinan East. Ayon sa kaniya ay tutulong ang sila sa aspetong legal para sa inmates.

Mahigit sa 90 inmates ang dumalo, na kitang-kita ang kasiyahang nadarama. Nagpapasalamat sila sa inaalok na tulong at nagpapasalamat din dahil nabigyan din sila ng pagkakataon na makilala ang Iglesia Ni Cristo.

Ayon kay Jail Warden Rodel Cadpino, masaya siya dahil may mga tulad ng Iglesia Ni Cristo na gustong umalalay sa mga detainee lalo na sa spiritual na pangangailangan. Dagdag pa niya na nais din niyang mapakinggan ang mga aral ng INC.

Ayon naman kay Bro. Ignacio Garcia, Jr., ministro ng Ebanghelyo, layunin nila na maipakilala sa lahat ng tao ang mga aral na kanilang sinasampalatayanan. Ito aniya ay pagpapakita sa patuloy nilang pakikipagkaisa at pagsunod sa pamamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo ang kasalukuyang Executive Minister ng INC..

Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan

42733c2c-1213-4817-a7d4-40f604b66da1

662245ab-75af-4093-9b6f-a6a63b9468f1

9090899b-5162-4853-92dd-304dcc4f9147

b6ae7ab1-050e-4a29-bfa7-475e541d7e4a

e81a168e-729e-45f4-8827-a7e89dd4927c