Pagmamahal sa kalikasan at kapuwa, ipinadama ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) — “Linis Dalampasigan” ang masiglang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon (Northern Quezon) noong Sabado, July 30, 2016 bilang paggunita sa isinagawang Buwan ng Nutrisyon na itinalaga ng pamahalaan. Isinagawa nila ito sa Brgy. Dinahican Infanta, Quezon na pinagunahan ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga Ministro at pamilya ng mga ito.

Masiglang nakipagkaisa ang maraming mga kaanib sa nasabing aktibidad para sa kalinisan ng kalikasan at karagatan. Maging ang pagmamalasakit sa kapuwa ay ipinadama din nila sa ganitong aktibidad dahil binuksan nila sa publiko ang isang “public toilet” na maaring gamitin ng mga residente sa nasabing barangay upang maingatan ang kalusugan at ang dalampasigan.

Sumama rin sa paglilinis ang kagawad ng bayan ng Infanta at ang nasa Barangay. Masayang-masaya naman ang mga residente  sa ginawang paglilinis ng mga kaanib ng INC. Nangako ang mga awtoridad ng nasabing barangay na kanilang ipagpapatuloy ang sinimulang ito ng mga kaanib ng INC. Nagpasalamat din sila sa halos 500 dumalo sa paglilinis na isinagawa sa kanilang lugar.

(Eagle News Nice Gurango – Infanta, Quezon Correspondent)

850514244_112518_14493702564140137900

850517197_16912_3761385307361762306

850517535_12753_12630308546754375037

850518758_119833_12632653573072620523

850519292_112732_10493874862728567165

850520944_10793_103709852606473958

850521665_13939_4332728958722080117

850523282_11357_998803067013706736

850524796_12351_16840053633321235935

850618460_14667_1987756761124874560

850618727_11644_11980771980187045589

851408248_13116_12008738903239503713

851426454_12863_425532300519547892