INFANTA, Quezon (Eagle News) — “Linis Dalampasigan” ang masiglang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon (Northern Quezon) noong Sabado, July 30, 2016 bilang paggunita sa isinagawang Buwan ng Nutrisyon na itinalaga ng pamahalaan. Isinagawa nila ito sa Brgy. Dinahican Infanta, Quezon na pinagunahan ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga Ministro at pamilya ng mga ito.
Masiglang nakipagkaisa ang maraming mga kaanib sa nasabing aktibidad para sa kalinisan ng kalikasan at karagatan. Maging ang pagmamalasakit sa kapuwa ay ipinadama din nila sa ganitong aktibidad dahil binuksan nila sa publiko ang isang “public toilet” na maaring gamitin ng mga residente sa nasabing barangay upang maingatan ang kalusugan at ang dalampasigan.
Sumama rin sa paglilinis ang kagawad ng bayan ng Infanta at ang nasa Barangay. Masayang-masaya naman ang mga residente sa ginawang paglilinis ng mga kaanib ng INC. Nangako ang mga awtoridad ng nasabing barangay na kanilang ipagpapatuloy ang sinimulang ito ng mga kaanib ng INC. Nagpasalamat din sila sa halos 500 dumalo sa paglilinis na isinagawa sa kanilang lugar.
(Eagle News Nice Gurango – Infanta, Quezon Correspondent)