Pagnanakaw sa isang tindahan sa Zambo Del Norte huli sa CCTV

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Huli sa CCTV camera ang pagnakaw ng isang lalaki sa tindahan na pagmamay-ari ni Garry Intik Gumanad sa Bayan ng Polanco Zamboanga del Norte. Kitang-kita sa camera ang mukha ng suspek kaya kaagad itong nakilala ng mga awtoridad.

Nakilala ang suspek na si Francis Colot Empremiado, 19 taong gulang, binata, residente sa Barangay Anastacio, Polanco, Zamboanga del Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Polanco PNP, dumaan ang suspek sa may entrance door ng establismento. Hindi aniya alam ng suspek na may CCTV camera ang nasabing tindahan. Nakuha ng suspek ang sumusunod:

  • 36,000 cash money
  • Isang gold bracelet na tinatayang nagkakahalagang 57,000 pesos
  • Isang unit na apple 6 plus na nagkakahalagang 57,037 pesos
  • 11 pirasong big pouch ng gatas sa halagang 1,094 pesos
  • 8 box ng bonakid milk sa halagang 768 pesos
  • 5 rim ng sigarilyo

Kasalukuyan nang nasa kustudiya ng Polanco PNP ang nahuling suspek at nahaharap sa kasong robbery.

Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte

Related Post

This website uses cookies.