(Eagle News) — Naniniwala si Senador Francis Escudero na bahagi ng demolition job laban sa Duterte Administration ang ginawang pagpapakalat ng mga “Province Of China” banner sa Metro Manila.
Sabi ni Escudero, hindi ito gagawin ng administrasyon dahil maraming pinoy ang galit sa China, lalo na sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea posible aniyang pakana ito ng kalaban ng administrasyon o bahagi ng kanilang propaganda para lalong siraan ang pamahalalan pero bahala na aniya ang administrasyon na magpaliwanag at dumepensa hinggil dito.
“Nakakaasar na propaganda pero tiyak ko hindi yan galing sa administration dahil para nilang binaon yung sarili nila kung sila ang naglagay nyan so malamang bahagi ito ng paninira laban sa administration,” pahayag ni Escudero.
https://youtu.be/PxLaUMxriYs