KOLAMBUGAN, Lanao del Norte (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang pagpapasinaya sa bagong sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Riverside, Kolambugan, Lanao Del Norte nitong Biyernes, August 19. Maaga pa ay dumating na ang mga kaanib ng INC upang makadalo sa nasabing pagtitipon. Bakas sa kanilang mukha ang kasabikan at kagalakan sapagkat nagkaroon na ng katuparan ang matagal na nilang inaasam na magkaroon ng kapilya sa dakong ito.
Pinangunahan ni Bro. Loedito C. Raagas, District Supervising Minister ng Lanao ang pagtuturo ng mga aral ng Diyos sa Biblia. Sa kanyang pagtuturo, binigyan diin niya ang kahalagahan ng sambahan upang dinggin ng Diyos ang mga pananalangin kaya aniya ay dapat itong pahalagahan at ipagmalasakit.
Nagsimula ang pagpapasinaya sa unang pananalangin na pinangunahan ni Bro. Marlon Francisco, INC Minster, Katiwala sa Pagpapatibay at ang huling panalangin naman ay pinangunahan ni Bro. Edwin Catingub, INC Minister, Katiwala sa Kapisanang Pansambahayan. Natapos naman ang nabanggit na pagtitipon sa pagbasa ng Kasaysayan ng Lokal na pinangunahan ni Bro. Michael Antig, Kalihim ng Distrito.
Samantala, sa pangunguna ni Bro. Loedito C. Raaagas, District Supervising Minister kasama ang mga minitro ng INC at lahat ng mga nakadalo, nagpaabot naman ng taus-pusong pagpapasalamat sa Panginoong Diyos at kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister sa pagkakaroon nila bagong sambahan.
Courtesy: Bert Prowel – Kolambugan, Lanao Del Norte Correspondent