Pagpapatrolya sa Benham Rise, sisimulan na ng Philippine Coast Guard

(Eagle News) — Magpapadala ang Philippine Coast Guard ng dalawa sa kanilang mga barko para magsagawa ng maritime security patrol sa Benham Rise.

Sa panayam ng Liwanagin Natin, sinabi ni acting Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Robespierre Bolivar na magsisimula ang pagpapatrolya ng PCG sa Benham Rise sa Linggo, may 7.

Aniya mahalaga ang gagawing pagpapatrolya sa benham Rise bilang bahagi ng pagpapahalaga at pagprotekta sa teritoryo ng bansa.

Kabilang sa idedeploy ng pcg sa Benham Rise ang kanilang multi-role response vessel na BRP Malapascua at ang monitoring, control and surveillance vessel o MCS 3001.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon kung gaano katagal ang isasagawang maritime patrols ng PCG sa Benham Rise.

Related Post

This website uses cookies.