(Eagle News) — Epektibo na ngayong araw, Agosto 1, ang pagpapatupad ng expanded suggested retail price (SRP).
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, sa expanded SRP, nadagdagan ang prime commodities at basic necessities na isinailalim nila sa monitoring.
Ibig sabihin, mas marami nang pagpipilian ngayon ang mga mamimili na kahit nasa premium brand at nasa SRP ay tiyak ng mga consumer na tama ang halaga na dapat nilang bayaran.
Isa aniya sa mga produktong isinailalim nila sa expanded SRP ay ang mga delatang sardinas kung saan aabot na ngayon sa 18 brands ang kanilang minomonitor mula sa dating pito na brand.
Pero aminado si Castelo na nagtaas talaga ang presyo ng mga sardinas dahil sa suplay ng mga isdang tamban.
Samantala, bukod sa mga malalaking supermarkets at groceries, target din ng DTI ang mga sari-sari store o mga suking tindihan bagamat voluntary lamang ang kanilang pagsali dahil sa logistical cost.
Binibigyan na lamang ng DTI ang mga ito ng koneksyon sa malalaking mga manufacturer upang makakuha ng discounted rate at maibenta sa SRP.
https://youtu.be/mZ606ECDWuc