Pagpatay kay Mayor Espinosa, paiimbestigahan sa Senado

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isusulong ni Senador Richard Gordon ang hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.

Sinabi ni Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na isasampa niya ang resolusyon matapos maisumite ang committee report sa imbestigasyon sa extra-judicial killings.

Natapos ang EJK investigation bago mag break ang Senado nitong nakalipas na October 22.

Ayon kay Gordon kakausapin niya si Senador Panfilo Lacson na una nang nagpaabot ng intensyong paimbestigahan ang pagkamatay ni Espinosa na itinuturing nitong isang kaso ng extra-judicial killing.

Related Post

This website uses cookies.