Pagproseso sa aplikasyon ng mga domestic helper sa Kuwait, binuksan na

(Eagle News) — Binuksan na ng Philippine Embassy sa Kuwait ang pagpo-proseso sa mga aplikasyon ng mga nais na magtrabaho bilang domestic helper sa nasabing bansa.

Kasunod ito ng mga alituntunin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga recruitment agency kaugnay sa pangangalaga ng karapatan ng mga Filipino worker na nais magtrabaho sa Kuwait.

Nakasaad sa memorandum circular ng POEA na malayang makapagsumbong ang OFWs sa mga ahensya ng Kuwait at Pilipinas kapag may insidente ng pang-aabuso.

Kailangan ding payagan ng employer ang mga kasambahay na magkaroon ng cellphone o anumang communication device para makausap ang kanilang mga kaanak at ang otoridad.

 

Related Post

This website uses cookies.