Pagpupuslit ng endangered species, nais ding sugpuin ng DENR

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Naging sentro ng transportasyon at kalakalan ang Zamboanga City ng mga kababayan nating mula sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Mainland ng Zamboanga. Ang lungsod na ito ay may 26 na finger wharf at may isang malaking pantalan na kung saan dinadaanan ng mga kargamento palabas at papasok ng rehiyon.

Ayon kay Ginoong Ben Acana, Chief Enforcement Division ng DENR Regional Office 9, kabilang sa mga ipinupuslit ng mga sindikato ang mga likas na yaman ng ating bansa maging ang napabilang sa mga endangered species.

Kaya binuo ang Regional Environmental Task Force sa ginawang pagpupulong sa isang malaking hotel ng Zamboanga kamakailan. Ang naturang Task Force ay nabuo mula sa mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines, Coast Guard Zamboanga, DOJ, NBI, PNP at AFP. Kabilang din ang iba’t ibang sangay ng Department of Environment and Natural Resources Region 9.

Ayon kay Acana, lahat ng nabanggit na ahensya ng gobyerno na bahagi sa binuong Task Force ay may karapatang maghain ng kaso laban sa mga sindikatong nananamantala sa ating likas na yaman. Naniniwala aniya siya na epektibo ang kanilang panukala o hakbang. Dahil naglalayon itong tuldukan ang pagpupuslit papunta sa ibang bansa sa  endangered species na matatagpuan lamang sa Pilipinas.

Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City

Related Post

This website uses cookies.