QUEZON CITY (Eagle News) – Simula noong Martes, Enero 3, 2017 ay mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpuputol ng puno ng niyog. Ito ay ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA). Layunin nito na maingatan ang coconut industry sa bansa dahil higit na mas marami ang napuputol na puno kaysa naitatanim.
Noong December 23, 2016, nang lagdaan ni PCA Administrator Billy Andal ang moratorium ukol dito. Ilan sa mga kasamang lumagda ay sina Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco Jr, at mga miyembro ng PCA Governing Board Alan P. Tanjuakio, Edicio dela Torre and Ponciano A. Batugal.
Source: Philippine Information Agency/ Philippine Coconut Authority 2016
Angela Longalong
EBC Correspondent, QC