Pagsabog ng isang mall sa Pampanga, pinabulaanan

PAMPANGA (Eagle News) – Pinabulaanan ng pangasiwaan ng isang Mall sa Pampanga ang kumakalat sa Social Media na di umano ay may naganap na pagsabog sa loob ng naturang establisyimento noong Lunes, September 12, 2016.
 
Niliwanag ng Mall Management na nahulog lang ang pressurized CO2 tank ng softdrinks ng Jollibee sa main building kaya may naganap na pagsalitsit ng naturang tanke. Subalit agad namang inagapan ng SM Engineering Team kaya naisaayos agad ang naturang CO2 tank.
 
Sa ingay ng tanke, nagsimulang magpanic, magtakbuhan, maglundagan palabas ang mga tao sa loob ng fastfood. Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.
 
Agad namang nanumbalik sa dati o business as usual sa loob ng mall matapos na dumating ang mga nasa seguridad at ideklarang ang ingay ay nanggaling lamang sa tanke ng softdrinks.
Courtesy: Joel Mapiles