Ito ay matapos sabihin ni incoming president Rodrigo Duterte na nais niyang isama sa illegal drug raid operations ang mga sniper ng militar.
Ayon kay PNP Spokesperson PC/Supt. Wilben Mayor, wala aniya silang nakikitang problema sa nasabing set-up dahil magsisilbing support force nila ang militar sa gagawing mga operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.
Mas pabor aniya sa kanila ang ganitong set-up dahil may sapat na pwersa na magbibigay ng proteksiyon sa mga raiding team.
Samantala, nilinaw naman ni ni Mayor na ang PNP pa rin ang siyang magiging superior force sa mga ikakasang law enforcement operations.
Kaugnay nito, nakahanda rin aniya ang PNP na sundin ang kagustuhan ni incoming president Rodrigo Duterte na isailalim sa drug test ang lahat ng mga pulis sa pamamagitan ng blood samples.
Ayon pa rin kay Mayor, obligado aniya talaga ang mga nasa gobyerno na sumailalim sa mandatory drug test taun-taon.
Pero sa kabila ng pagpapahayag ng pagsunod, aminado ang PNP na kailangan pa nilang humanap ng pondo na gagamitin para sa nabanggit na drug test.
Gayunpaman, naniniwala si Mayor na magagawan ng paraan ng susunod na pangulo ang pagkalap ng pondo, ang mahalaga aniya ay nakahanda silang tumugon dito.