Pagsasaayos ng ilang mga pangunahing kalsada sa bayan ng Dingalan, Aurora, agad na tinugunan

DINGALAN, Aurora (Eagle News) — Agad na tinugunan ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Dingalan, Aurora ang pagsasaayos ng ilang mga pangunahing kalsada  sa Brgy. Matawe, Ibona at Umiray kung saan matindi ang naging pinsala bunsod ng masamang panahon nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Mayor Shierwin Taay, naglaan ng pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Aurora ng aabot sa Php 62 milyon para sa pagsasaayos ng mga kalsada.

Mahigit Php30 milyones naman–o Php 38 milyon—ang inilaan naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, humingi naman ang punong ehekutibo ng ibayong pasensya sa mga motorista sa pansamantalang pagkaantala ng kanilang biyahe.

(Eagle News Service Nelvie Yu)

Related Post

This website uses cookies.