Pagsasampa ng kaso vs VP Binay, tuloy – Ombudsman

Presidential candidate and Vice President Jejomar Binay speaks to supporters during his Miting De Avance in Manila on May 7, 2016. Philippine President Benigno Aquino warned May 7 the frontrunner in the race to replace him carried similar dangers to Hitler and would bring terror to the nation. / AFP PHOTO / NOEL CELIS
Ito ay kuha noong May 7,2016  sa Miting De Avance ni   Presidential candidate and Vice President Jejomar Binay  / AFP PHOTO / NOEL CELIS

(Eagle News) — Posibleng isampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Vice President Jejomar Binay pagbaba nito sa puwesto sa June 30.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, may nakita na silang sapat na batayan para kasuhan si Binay ng malversation, falsification at paglabag sa Anti-graft and Corrupt practices Act kaugnay ng kontrobersyal na di umano’y “overpriced” na Makati Carpark Building.

Sinabi ni Morales na nananatiling nakabinbin sa kanilang tanggapan ang “Plunder cases” laban kay Binay.

 

Eagle News Service.