ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Mahigpit na binababalaan at binabawalan ngayon ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga ang sinumang sibilyan na magsuot o gumamit ng mga uniporme ng pulis at militar.
Sinabi ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na nagdudulot ngayon ng takot sa mga residente ng Zamboanga City ang mga taong nakasuot ng mga uniporme ng pulis at militar na hindi naman awtorisado, dahil na rin sa mga balitang posibleng nagtatago sa lungsod ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf na tumatakas sa opensiba ng militar sa Basilan at Sulu.
Nanawagan pa ang alkalde sa mga taga-Zamboanga na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at agad na isumbong sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at sundalo ang mga kahina-hinalang tao o grupo na mapadpad o magtago sa kanilang lugar.
Isa ito ngayon sa kasamang sisitahin sa mga nakatalagang checkpoint papasok sa siyudad.
Jun Cronico – Eagle News Correspondent, Zamboanga City