Pagtaas ng presyo ng baboy dahil sa kakulangan ng supply, ibinabala

(Eagle News) — Nanawagan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa Department of Agriculture (DA) na pag-aralan ang mga puwang sa industriya na nag-resulta sa pagtaas ng presyo ng baboy.

Hindi na aniya sapat ang supply ng baboy, dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng back-yard farmers sa mga nakalipas na taon, na nag-resulta sa mataas na suggested retail price.

Sa ngayon, ang presyo ng baboy ay umaabot na sa Php 210.00 kada kilo, na dapat ay 195 pesos lamang.

Ayon sa Sinag, kailangang asikasuhin ng DA ang sitwasyon ng supply, operasyon ng sistema at cost of production upang matulungan ang raisers na mapababa ang presyo.

Related Post

This website uses cookies.