Pagtanggal ng interes sa hospital bills, isinusulong sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Isinusulong ngayon ni Puerto Princesa Councilor Peter Maristela ang isang resolusyon sa Sangguniang Panglunsod na humihiling na alisin ang ipinapataw na interes sa mga hospital bill ng mga pasyente sa lungsod na walang sapat na kakayanan na makapagbayad.

Ito ay bilang tugon na rin sa malaking suliranin na kinakaharap ng maraming mamamayan ng Puerto Princesa kaugnay sa pagkakaroon ng karamdaman.

Sa naging pahayag ng konsehal, ang iniakdang resolusyon ay alinsunod sa Republic Act 9439 na nagbabawal sa mga ospital na pigilan ang mga pasyente sa paglabas sa ospital kung ito ay walang sapat na pambayad.

Dagdag pa ni  Maristela, ilan sa mga mahirap na pasyente ay walang sapat na edukasyon kung kaya kulang ang kanilang kaalaman upang ayusin ang mga hinihinging requirements ng ospital upang maibsan ang kanilang pangangailangan sa mga pagamutan.

 

Anne Ramos – Eagle News Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.